𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡, 𝗡𝗔𝗚𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗦𝗔 𝗜𝗞𝗔𝗟𝗔𝗕𝗜𝗡𝗟𝗜𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗪𝗘𝗦𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗟𝗔𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗕𝗔𝗡𝗦𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟰

Nagtapos sa ika labinlimang pwesto ang Ilocos Region sa katatapos na Palarong Pambansa 2024 sa Cebu City.

Mula sa resulta ng PALARO Medal Tally Final at Official overall standing Humakot ng limang gold, labing-apat na silver at sampung bronze na medalya ang nasungkit ng mga manlalaro sa Ilocos Region sa iba’t-ibang kategorya ng sports activities.

Nanaig naman ang National Capital Region bilang kampeon, sinundan ng CALABARZON, Western Visayas, Davao Region at Central Visayas.

Dumalo sa closing ceremony si outgoing DepEd Secretary at Vice President Sara Duterte at kabilang sa mga naggawad ng mga tropeyo ng nanalong mga manlalaro.

Samantala, isasagawa ang Palarong Pambansa sa susunod na taon sa probinsya ng Ilocos Norte. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments