𝗜𝗠𝗕𝗘𝗦𝗧𝗜𝗚𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗜𝗖𝗬𝗖𝗟𝗘 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗧𝗘𝗕𝗘𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗧𝗜𝗡𝗨𝗧𝗨𝗧𝗨𝗞𝗔𝗡

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa pamamaril sa isang tricycle driver sa barangay Tebeng Dagupan City.

Ang biktima ay nakilalang si Edwin Lopez, 34 anyos at residente ng nasabing barangay.

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay DCPS Operations Officer PLt. Jesus Manaois, puspusang isinasagawa ang backtracking upang matukoy ang pinagmulan ng suspek.

Aniya, isa pa sa tinitignang anggulo sa ngayon ay kung may posibleng kaalitan ang ka-relyebo niyang kapwa tricycle driver.

Sa kanilang imbestigasyon, mabuti umanong tao ang biktima ayon na rin sa kanyang mga kabarangay.

Si Lopez ay pinagbabaril noong ika-22 ng Nobyembre na nagresulta sa agarang pagkamatay nito.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang limang basyo ng bala ng hinihinalang 9mm na baril.

Samantala, Ang lalaking suspek ay nakitang nakasuot ng sky-blue T-shirt, maong pants at lulan ng isang itim na motorsiklo sa araw ng nasabing insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments