𝗜𝗠𝗜𝗡𝗨𝗠𝗨𝗡𝗚𝗞𝗔𝗛𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗣𝗔𝗦𝗔𝗛𝗘 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗢𝗗𝗘𝗥𝗡𝗜𝗭𝗘𝗗 𝗣𝗨𝗩𝗦, 𝗜𝗡𝗔𝗟𝗠𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗘𝗡𝗦𝗘𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗨𝗧𝗘𝗥𝗦

Inalmahan ngayon ng mga commuters sa Pangasinan ang iminumungkahing taas singil sa pasahe partikular sa mga modernized PUVs o upgraded na mga pampublikong sasakyan.

Matatandaan na naging bali-balita ang possible umanong magkaroon ng pagbabago sa pasahe sa parehong mga modernized at tradisyunal na mga PUJs.

Ayon sa mga commuters, masyado na raw mataas kung tuluyang pumalo sa ₱15 to ₱20  ang karagdagang taas singil sa pamasahe dahil sa kasalukuyan ay mataas na raw ang pisong dagdag pasahe lalo na sa panahon ngayon kung saan nagmamahalan ang mga pangunahing bilihin.

Ayon naman sa jeepney operators, hindi agad agad na makakapagpatupad ang mga ito ng fare increase hanggat hindi ito dumadaan o aprubado ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Samantala, sa nagyon ay umiiral ang provisional fare increase sa mga pampublikong sasakyan at maaari itong mabago – posibleng mabawasan o madagdagan sa kahihinatnan ng isinasagawang pagdinig. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments