Mas pinag-iigting sa bayan ng Mangaldan ang isinasagawang immunization activities o pagbabakuna particular sa mga bata sa nasabing bayan.
Saklaw ng pagpapabakuna ang Routine and Catch-Up Immunization kung saan laan ang Routine Immunization sa edad 0 to 12 months old habang ang edad 13 months to 23 months ay sa ilalim ng Catch Up Immunization.
Kinabibilangan ito ng mga bakuna sa Bacillus Calmette-Guerin (BCG), Pentavalent vaccine (Diphtheria, Tetanus, Pertussis, Hib and Hepatitis B), Pneumococcal vaccine (PCV), Oral Polio Vaccine (OPV), Inactivated Polio Vaccine (IPV), Measles, Rubella (MR), Measles, Mumps and Rubella (MMR).
Sa ilalim naman ng Supplemental Immunization ay Oral Polio Vaccine (OPV) na laan para sa edad 24 to 59 months.
Hinihimok ang mga magulang na pabakunahan ang mga bata lalo ngayong naglipana ang kaso ng sakit tulad na lamang ng pertussis at measles na karaniwan sa mga bata. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨