Magpapatuloy ang implementasyon ng programang Catch-Up Fridays sa kabila ng kaliwaβt-kanang hiling ng ilang teaching personnels, maging ilang samahan ng mga guro na suspendihin o ipatigil ang nasabing programa.
Ayon sa DepEd Assistant Secretary, mas palalakasin pa umano ito, kabilang ang pag-alam sa mga kailangang mga pagbutihin pa para sa maayos nitong pagpapatupad.
Matatandaan na isa sa mga dahilan sa pagdulog na ipatigil ang Catch-Up Fridays ay dahil umano sa naitatalang pagtaas sa pagliban ng ilang mga mag-aaral partikular na ang mga mahusay nang bumasa sa tuwing sasapat na ang Biyernes.
Giit pa ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) and the Teachers Dignity Coalition (TDC) ang kakulangan umano sa reading materials na nararapat sa pagsasakatuparan ng naturang programa.
Tiniyak naman ng DepEd na magpapatuloy at magkakaroon ng improvements ang programa. | πππ’ π£ππ¬π¨