Ginawa ni Dy ang pahayag upang makapag adjust ang mga motorista sa programa dahil lumalabas na nabigla ang karamihan nang umpisang ipatupad nitong nakaraang buwan ng Enero.
Binibigyan ng palugit nang hanggang anim na buwan o hanggang July 30, 2022 ang implementasyon o pagbigay ng limang warning sa mga violators at matapos nito ay mapatawan ng ng kaukulang penalty.
Nilinaw ni Mayor Bernard Dy na ang alituntunin ng NCAP lalo na ang “penalty rates” ay nakabase sa LTO Traffic Rules na pinababa pa ng LGU Cauayan kayat hindi sana dapat isyu ang pagsunod sa mga regulasyon sa trapiko sapagkat bago pa man mabigyan ng Driver’s License ay batid na ang dapat gawin.
Ang ginawa ng LGU ay upang iangat ang sistema sa pamamagitan ng paggamit ng makabagong teknolohiya.
Dagdag pa ni Mayor Dy na kung sinuman ang nabigyan ng notice ay makipag ugnayan sa opisina ng Public Order & Safety Division (POSD) para ito ay mapag-usapan.