Taliwas sa inaakalang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang inaasahan ng mga motorista at mga PUV drivers at operators dahil taas presyo ang sumalubong sa mga ito simula ngayong linggo.
Matatandaan na noong nakaraang linggo ay nauna nang nag-anunsyo ang ilang oil companies ng bawas presyo sa krudo bagamat binawi ito ngayong araw nang ipatupad ng panibagong dagdag presyo sa langis.
Iiral sa merkado ang taas presyo ng nasa sampung sentimos sa kada litro ng produktong Diesel at Gasoline.
Muling nadismaya ang mga drivers at operators sa hindi umano inaasahang price adjustments sa produktong langis.
Inaasahan ng mga ito na hindi na muling papalo sa dos pesos ang pagsirit nito sa presyuhan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments