𝗜𝗡𝗗𝗜𝗚𝗘𝗡𝗢𝗨𝗦 𝗣𝗘𝗢𝗣𝗟𝗘 𝗚𝗥𝗢𝗨𝗣𝗦 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗜𝗔𝗚𝗢, 𝗡𝗔𝗕𝗜𝗚𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗡𝗦𝗜𝗬𝗔𝗟

CAUAYAN CITY- Napamahagian ng tulong pinansiyal ang mga Santiagueñong kabilang sa iba’t-ibang Indigenous People groups sa Lungsod ng Santiago.

Ang pamamahagi na ito ay inisyatiba ng City Government of Santiago kung saan nasa 623 benepisyaryo ang nabigyan na may kabuuang halaga ng P1,878,000.

Layunin ng programa na tulungan ang mga indigenous people sa lungsod at isulong ang pagpapanatili ng kanilang kultura at tradisyon.


Sa pamamagitan nito ay makakamit ang inaasam at minimithing pangkalahatang pag-unlad ng bawat Santiagueño.

Facebook Comments