𝗜𝗡𝗗𝗜𝗚𝗘𝗡𝗧 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗘Ñ𝗢𝗦, 𝗔𝗕𝗢𝗧 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗢𝗠𝗘 𝗩𝗜𝗦𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗟𝗚𝗨 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡

Hatid ng programang home visit ng kasalukuyang administrasyon sa Dagupan City ang pagtugon partikular sa problemang pangkalusugan ng mga indigent Dagupeños.

Ayon sa naging panayam ng IFM Dagupan sa ilang kawani ng City Health Office, mainam daw ang pag-arangkada ng programa dahil isa umano sa dahilan ng pagkaantala ng kanilang paggaling ay ang hindi pagconsult ng maaga bunsod ng kakapusan sa pera.

Dagdag pa na sa pamamagitan ng programa ay naaagapan at hindi na humahantong sa malalang kondisyon ang ilang mga naitatalang sakit.

Samantala, patuloy din ang libreng serbisyong medikal tulad ng pamamahagi ng gamot, bitamina maging free consultation sa Dagupan CHO laan lalo na para sa nangangailangang mga residente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments