Nais pang paigtingin at palaguin ng lokal na gobyerno ng Dagupan City ang industriya ng bangus bilang isa ito sa nagbibigay pagkakakilanlan sa lungsod at isa rin sa pangunahing ikinahahanap-buhay ng mga DagupeΓ±ong mangingisda.
Nito lamang, nagpulong at pinag-usapan ito ng LGU kasama ang mga bangus growers, fish pond/fish cage owners/operators, at bangus consignacion dealers para mapangalagaan ang industriyang ng bangus sa lungsod.
Dapat na Dagupan Bangus ang nangingibabaw na suplay sa fish market at hindi mula sa ibang lugar nang sa gayon ay matulungan pa umano ang lokal na mangingisda na gumanda ang kanilang kita.
Samantala, nakikipag-ugnayan pa ang LGU sa ahensya ng BFAR R1 at DA para naman pag-usapan ang iba pang dapat pagtuunan ng pansin upang maiangat ang mga lokal na mangingisda. |πππ’π£ππ¬π¨