𝗜𝗡𝗗𝗨𝗦𝗧𝗥𝗜𝗬𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗤𝗨𝗜, 𝗧𝗜𝗡𝗨𝗧𝗨𝗧𝗨𝗞𝗔𝗡

Tinututukan ng Municipal Agriculture Office ng Malasiqui ang industriya ng Mangga matapos isagawa ang Capability Enhancement on Mango Orchard Management.

Dumalo ang 25 mango growers sa bayan na sumalang sa seminar sa paglaban sa mga peste na maaring umatake sa puno.

Layunin ng aktibidad na matutukan ng mga magsasaka ang kanilang pananim upang mapataas ang produksyon ng mangga sa bayan.

Kamakailan ay sumailalim rin sa benchmarking activity ang anim na kooperatiba ng mga magsasaka sa bayan upang malaman ang estado, polisiya at sharing management operation katuwang mga magsasaka. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments