Bumaba muli ang inflation rate sa Ilocos Region noong Disyembre 2023 ayon sa Philippine Statistics Authority.
Base sa pinakahuling datos ng PSA, nasa 2.3% inflation rate ang naitala noong nakaraang buwan mas mababa sa nakaraang 2.9 %.
Sinabi ni PSA Ilocos Regional director Sheila de Guzman iba pang nag-ambag sa mas mabagal na inflation rate noong Disyembre ay kinabibilangan ng mas mababang housing, water, electric, gas, at iba pang fuel indexes; mga kasangkapan; kagamitan sa kabahayan at maintenance household; health at iba pa.
Ang average na inflation sa rehiyon para sa 2023 ay nasa 5.1%, mas mababa kaysa sa National Average na 6% at ang 8.2% noong 2022.
Sinabi ni De Guzman na bumagal ang food index sa rehiyon noong Disyembre ng 5.7% mula sa 7.5% noong nakaraang buwan.
Sa mga lalawigan sa rehiyon, ang La Union ay nagtala ng pinakamataas na inflation noong Disyembre na nasa 4.1% inflation at sinundan ng Pangasinan na 2.7%; at 1.2% Ilocos Norte at nag-post naman ng -1.6% inflation ang Ilocos Sur. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨