Inihayag ng Bangko Sentral ng PIlipinas (BSP) na posibleng nasa pagitan ng 3.7% hanggang 4.5% ang maitatalang headline inflation o ang antas ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin, kalakal at serbisyo sa bansa sa nagdaang buwan ng Mayo.
Ilan sa mga salik na nakitang nakakaapekto sa inflation ay ang tumaas na electricity rates at presyuhan ng mga gulay.
Posible ring dahilan ang peso depreciation ang o pagsadsad ng palitan ng Philippines Peso sa US Dollar.
Sa kabilang banda, ilang mga pangunahing pagkain tulad ng presyo ng bigas, isda at prutas ay nananatiling mababa.
Matatandaan na nakaraang buwan ng Abril, bumilis sa 3.8% ang inflation rate mula sa 3.7% na rate nitong Marso lamang. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments