𝗜𝗡𝗙𝗢𝗥𝗠𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗔𝗪𝗔𝗥𝗘𝗡𝗘𝗦𝗦 𝗖𝗔𝗠𝗣𝗔𝗜𝗚𝗡, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗚𝗔𝗠𝗨, 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔

 

Cauayan City – Upang mas maging malawak pa ang kaalaman ng mga mamamayan pagdating sa usaping krimen, nagsagawa ng Information Awareness Campaign ang Gamu Police Station sa Brgy. Guibang, Gamu, Isabela.

 

Ang aktibidad na ito ay parte ng selebrasyon ng ika-29 na Police Community Relations Month na naglalayon na magkaroon ng kamalayan at sapat na kaalaman ang publiko partikular na sa usaping Rape at Gender-based Violence Cases.

 

Tampok rin sa talakayan ang pagbabahagi ng kaalaman patungkol sa Teenage Pregnancy, Safe Spaces Act, at Violence Against Women and Children, na tiyak makatutulong upang mabawasan ang kaso ng sekswal na pang-aabuso at maagang pagbubuntis.


 

Samantala, dinaluhan ng barangay officials, BPATS, Women Sector at miyembro ng KKDAT mula sa Barangay Guibang ang naturang programa.

Facebook Comments