𝗜𝗡𝗙𝗥𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗝𝗘𝗖𝗧 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗔𝗚𝗡𝗢 𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥, 𝗧𝗜𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚 𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗧𝗘𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗔𝗞𝗨𝗡𝗔

Natapos na ang slope protection infrastructure project ng Department of Public Works and Highways sa may bahagi ng Agno River sa Brgy. Bogaoan,San Carlos City.

Ayon sa tanggapan, ang 355.47 linear-meter project ay magsisilbing proteksyon sa banta ng matinding pagbaha at bagyo maging sa nagbabadyang epekto ng La Niña phenomenon.

Mabusising pinaghandaan ang plano ng naturang infrastructure project na layuning maprotektahan ang tabing-ilog at mapababa ang landslide.

Nagsimula ang proyekto noong February 6 ngayong taon at natapos naman nitong April 24. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments