Umabot sa higit 755 milyon ang iniwang danyos ng tatlong bagyo na na pumasok sa loob lamang ng isang linggo sa Ilocos Region.
Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay OCD Region 1 Spokesperson, Adreanne Pagsolingan, sa initial assessment ng tanggapan nasa higit 2.9 milyong piso ang pinsala sa agrikultura at 753 milyong piso naman ang danyos sa sektor ng imprastraktura ang iniwan ng Bayong Nika, Ofel, at Pepito.
Ilan lamang aniya sa mga napuruhan ay ang mga kalsada at flood control projects.
Nagpapatuloy ang pamamahagi ng tulong katuwang ang iba’t ibang government agencies sa mga naapektuhan kung saan umabot na sa 4.5 milyong piso ang naipamahagi. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments