𝗜𝗡𝗦𝗣𝗘𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗜𝗡𝗙𝗥𝗔𝗦𝗧𝗥𝗨𝗖𝗧𝗨𝗥𝗘 𝗣𝗥𝗢𝗝𝗘𝗖𝗧𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

Ininspeksyon at binisita ng City Engineering Office ang mga infrastructure projects sa lungsod ng Dagupan.

Isa sa binisita at ininspeksyon ay ang kasalakuyang isinasagawang PCC pavement at drainage system sa Barangay Poblacion Oeste papunta ng LTO/ CSWD Office, bahagi rin na isinasagawa sa Galvan St. na road elevation at lateral drainage, flat slab bridge at sidewalk project.

Ininspeksyon rin ang Pogo Lasip Elementary School kung saan may isinasagawang Site Development Project bilang suporta sa edukasyon at flood mitigation at Malued Elementary School kung saan may kasalukuyan konstruksyon sa 3-storey 9 classroom school building.

Kasama rin ng City Engineering Office ang ilang young city official ng Manlingkor Ya Kalangweran nang sa gayon ay makita rin ng mga ito ang mga proseso at trabaho na ginagampanan ng opisina pagdating sa mga proyektong imprastraktura sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments