Mahigpit ngayon ang pagsasagawa ng Philippine Coast Guard Northwestern Luzon sa mga karagatang sakop ng Region one ng inspeksyon sa mga naglalayag na vessel.
Ang mahigpit na inspeksyon na ito sa mga lumalayag na vessel ay upang maiwasan ang insidente ng oil spill at makaapekto sa karagatang sakop ng rehiyon.
Sa kasalukuyan, nasa abot siyamnaput anim na mga vessel ang iniinspeksyon kung saan apatnapu’t lima dito ay mga tanker, apatnaput tatlong tugboat at walong cargo vessel.
Patuloy ang mga ganitong klaseng pagiinspeksyon ng PCG upang matiyak na hindi maaapektuhan ang kalagayan at hindi masira ang mga yamang dagat na sakop ng rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments