Nagpapatuloy ang installation ng mga solar street lights sa iba’t-ibang munisipalidad at lungsod sa lalawigan ng Pangasinan.
Bukod sa layunin nitong matiyak ang kaligtasan ng mga Pangasinenses sa pamamagitan ng ibinibigay nitong pailaw sa mga kakalsadahan, kapaki-pakinabang din ang mga ito pagdating sa usaping kuryente.
Makatutulong ang mga solar street lights sa kabawasan ng tumataas na bayarin sa kuryente, at bilang ito ay renewable energy, makatutulong ito sap ag-ibsan sa epekto ng climate change.
Sa kasalukuyan, nasa halos apat na raang mga solar lights ang na-install na sa mga bayan ng ng San Fabian, Mangatarem, Bayambang, Malasiqui, Mapandan, Binalonan, Natividad, Urdaneta City at iba pa hatid ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨