Nagsagawa ng Inter-Agency Meeting ang lokal na pamahalaan ng Dagupan City upang paghandaan ang kapistahan ngayong Disyembre.
Inaasahan ang dagsa ng tao Mamayang ala sais ng Gabi, dahil sa isasagawang Christmas Tree Lighting Ceremony sa harap ng Dagupan City Plaza at pagpapailaw sa Quintos Bridge.
Tiniyak ni PLTCOL Brendon B. Palisoc, hepe ng Dagupan City Police Station (COP), ang seguridad at kaayusan sa nasabing selebrasyon ngayong araw.
Nakaantabay din ang ilang ahensya sa pagsisiguro sa maayos na daloy ng trapiko sa lugar.
Hiling naman ng alkalde ang pakikiisa at pakikipagtulungan ng Dagupeños para sa matagumpay na malaking selebrasyon ng lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments