𝗜𝗡𝗨𝗠𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗨𝗪𝗜 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗚𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗦𝗧𝗨𝗗𝗬𝗔𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗘𝗖𝗛𝗔𝗚𝗨𝗘

CAUAYAN CITY- Sugatan ang isang estudyante matapos tagain ng kainuman sa Purok 3, Brgy. Garit Norte, Echague, Isabela.

Kinilala ang suspek na si alyas “Bert”, 35-anyos, residente ng Brgy. Inaban, Dupax Del Norte at kasalukuyang nakatira sa nabanggit na lugar.

Habang ang biktima ay si Miko Dexter Consolacion, 19-anyos, at residente ng Brgy. Sinabbaran, Angadanan, Isabela.


Ayon sa ulat ng pulisya, nag-iimuman ang biktima at suspek nang magkaroon ang mga ito ng hindi pagkakaintindihan.

Sa kalagitnaan ng pagtatalo ay biglang kumuha ng bolo ang suspek at hinabol nito ang biktima at nagawang mataga nito ng tatlong beses sa kanyang likod.

Agad namang dinala sa pagamutan ang biktima habang nadakip ang suspek at kasalukuyang nasa pangangalaga ng Echague Police Station maging ang bolo na ginamit sa krimen.

Facebook Comments