𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔 𝗣𝗣𝗢, 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗞𝗜𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗧𝗜𝗕𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗠𝗣𝗔𝗡𝗬𝗔 𝗞𝗢𝗡𝗧𝗥𝗔 𝗞𝗥𝗜𝗠𝗜𝗡𝗔𝗟𝗜𝗗𝗔𝗗

Cauayan City – Naitala ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) ang sunod-sunod na operasyon sa loob lamang ng unang pitong araw ng panunungkulan ni Police Colonel Manuel B. Bringas bilang Acting Provincial Director, mula Enero 5 hanggang 11, 2025.

Sa ilalim ng kampanya kontra ilegal na droga alinsunod sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, apat na operasyon ang naisagawa ng Ilagan Component City Police Station, Echague Police Station, Cauayan Component City Police Station, at Aurora Police Station.

Nagresulta ito sa pagkakaaresto ng apat na indibidwal at pagkakakumpiska ng humigit-kumulang 2.75 gramo ng ilegal na droga na may tinatayang halagang ₱17,160.00.

Samantala, sa pagpapatupad ng RA 10591 o Firearms and Ammunition Regulation Act, kabuuang dalawampu’t limang operasyon ang naisagawa kung saan tatlo ang naaresto at tatlong firearms ang nakumpiska.

Bukod dito, tatlong loose firearms ang boluntaryong idineposito, habang dalawampu’t apat naman ang naisuko sa ilalim ng programang Kontra Boga.

Sa kampanya laban sa ilegal na pampasabog alinsunod sa RA 9516, dalawang operasyon ang naisagawa na nagresulta sa boluntaryong pagsuko ng dalawang pampasabog.

Naitala rin ang mga operasyon kontra ilegal na sugal sa ilalim ng Presidential Decree 1602, kung saan dalawang operasyon ang nagbunga ng pagkakaaresto ng siyam na katao, pagkakakumpiska ng ₱1,527.00, at pagsasampa ng dalawang kaso sa korte.

Sa kampanya laban sa Most Wanted Persons,
nahuli ng San Mariano Police Station sa isang Regional Top 3 Most Wanted Person na sangkot sa kasong Murder, Jones Police Station sa isang Regional Top 9 Most Wanted Person kaugnay ng kasong Rape by Sexual Assault at Statutory Rape, at Naguilian Police Station sa isang Provincial Top 9 Most Wanted Person para sa kasong Statutory Rape.

Dagdag pa rito, nadakip din ng San Mateo Police Station ang isang Most Wanted Person na sangkot sa paglabag sa RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Bukod sa mga nabanggit, sa ilalim ng kategoryang Other Wanted Persons, dalawampu’t pitong operasyon ang naisagawa na nagresulta sa dalawampu’t pitong pagkakaaresto, na nagpapakita ng tuluy-tuloy pagpapatupad ng batas ng Isabela Police Provincial Office.

————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments