𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗥𝗘𝗧𝗔𝗞𝗘𝗥 𝗔𝗧 𝗠𝗘𝗡𝗢𝗥 𝗗𝗘 𝗘𝗗𝗔𝗗, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡𝗢𝗦

Arestado ang 39 anyos na caretaker mula bayan ng Nicolas at 17 anyos na binatilyo mula Dagupan City sa isinagawang buy bust operation Sitio Tongling Poblacion, Alaminos City.

Nakumpiska sa kustodiya ng mga ito ang isang sachet ng hinihinalang shabu at 2 piraso ng dried marijuana leaves kabilang ang dalawang 500-peso bill at 64pcs ng 1,000-peso bill na boodle money.

Nasa kustodiya ng awtoridad ang mga suspek at haharap sa kaukulang kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments