𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗬𝗨𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗚𝗔𝗟𝗟𝗢𝗡, 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗪𝗔𝗪𝗔𝗟𝗔

Ilang araw nang nawawala ang Hawaiian/Mexican national na si Joseph Damato, residente ng Brgy. Umanday, Bugallon.

Sa report ng live-in partner ng foreigner na si Lorna Barrozo, nangyari ang insidente alas kwatro ng hapon ng March 14. Nawala ang kanyang partner habang nagsasagawa ng paragliding sa bulubunduking bahagi ng Sitio Mapita, Brgy. Laoag, Aguilar.

Kasalukuyang isinasagawa ng Aguilar Municipal Police Station at MDRRMO ang search and rescue operation para sa dayuhan. Patuloy din ang interview sa live-in partner ng dayuhan at sa mga kasamahan nito upang malaman ang kabuuan ng insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments