𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗚𝗛 𝗩𝗔𝗟𝗨𝗘 𝗧𝗔𝗥𝗚𝗘𝗧 𝗜𝗡𝗗𝗜𝗩𝗜𝗗𝗨𝗔𝗟, 𝗧𝗜𝗠𝗕𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡

CAUAYAN CITY – Timbog sa ikinasang entrapment operation ang isang High Value Target (HVT) individual sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Ang suspek ay si alyas “Wally”, nasa hustong gulang at residente sa naturang lalawigan.

Ayon sa mga operatiba ng PDEA Region 2 nagsagawa sila ng operasyon matapos makumpirma ang ilegal nitong aktibidad.


Nakuha nila mula sa pag-iingat ni alyas “Wally” ang isang pakete ng sigarilyo na may halong marijuana na aabot sa 20.9 grams.

Maliban dito, narekober din mula sa kanya ang 6 na pirasong plastic bags ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng mahigit P86K, buy-bust money, at motorsiklo na walang plate number.

Samantala, ang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments