
β
βCauayan City – Nagbigay karangalan sa Lalawigan ng Isabela si Vivienne Millei Tomas matapos niyang matagumpay na maipasa ang Singapore Nurse Licensure Examination (SNLE) ngayong 2026.
β
βSi Tomas ay mula sa Barangay Bagong Tanza sa Bayan ng Aurora at isa na ngayong lisensyadong nurse sa Singapore.
β
βTinapos ni Tomas ang Bachelor of Science in Nursing sa Far Eastern University at naging estudyante rin ng Our Lady of the Pillar College San Manuel noong 2018.
β
βNoong 2022, nauna na rin niyang naipasa ang Philippine Nurse Licensure Examination (PNLE), patunay ng kanyang kakayahan at dedikasyon sa larangan ng pag-aalaga ng kalusugan.
β
βDahil sa kanyang tagumpay, nagsisilbing inspirasyon si Tomas sa mga kabataang nangangarap maging propesyonal na nars at makamit ang kanilang mithiin, sa Pilipinas man o sa ibang bansa.
β
βSource: RCVN
β photo: Vivienne Mellei Ignacio Tomas/FB
————————————–
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website,Β www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan










