𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗔𝗥𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔𝗦𝗜𝗦, 𝗡𝗜𝗟𝗢𝗢𝗕𝗔𝗡; 𝗧𝗔𝗕𝗟𝗘𝗧, 𝗧𝗩 𝗔𝗧 𝗣𝗘𝗥𝗔 𝗡𝗜𝗡𝗔𝗞𝗔𝗪

Nilooban ang Principal’s Office ng Unzad Elementary School sa bayan ng Villasis, Pangasinan kung saan tinangay ng mga hindi pa nakikilang suspek ang DepEd tablets, isang TV at pera.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng awtoridad, dumaan umano sa likod ng principal’s office ang mga kawatan nang umalis ang security guard ng paaralan at sinira ang bakod.

Pwersahang sinira ang padlock at gate ng opisina ng tatlong suspek at kinuha ang anim na tablet, tv at perang nagkakahalaga ng 1, 250.

Tumakas ang mga suspek lulan ng tricycle.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments