𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗘𝗡𝗦𝗘 𝗧𝗢𝗣𝗡𝗢𝗧𝗖𝗛𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗦𝗢𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗪𝗢𝗥𝗞𝗘𝗥 𝗟𝗜𝗖𝗘𝗡𝗦𝗨𝗥𝗘 𝗘𝗫𝗔𝗠𝗜𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Nakiisa ang buong lalawigan ng Pangasinan sa tagumpay ng isang Pangasinense matapos mag-number 9 sa katatapos na Social Worker Licensure Examination.

Ayon kay Princess Jobelle Marcelo, na mula sa Pangasinan State University Lingayen Campus, marami mang luha at puyat sa pagrereview at pag-aaral, ipinagpatuloy pa rin niya ito dahil kailangan niyang makapagtapos.

First time taker ito kung saan nakakuha siya ng passing percentage na 85.40%.

Nagpasalamat ito sa kaniyang pamilya at kaibigan na kaniya umanong naging support system noong siya pa lang ay nagrereview hanggang sa makamit ang pagiging Registered Social worker. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments