
βCauayan City – Natupok ng apoy ang isang bahay sa Purok 6, Brgy. Sampaloc, Cabatuan, Isabela kahapon, ika-21 ng Pebrero.
βKinilala ang may-ari ng bahay na si Mr. Eduardo Gille kung saan kasalukuyan itong tinitirahan ng kanyang anak na si Mr. Richmond Gille, isang rider.
βSa nakuhang impormasyon ng IFM NEWS TEAM kay Fire Officer 1 Vince Ignacio, Fire Arson Investigator ng Bureau of Fire Protection (BFP) Cabatuan, bandang 11:35 ng umaga ng makatanggap sila ng tawag kaugnay sa naturang aksidente.
βAgad naman silang rumesponde at pagdating sa lugar ng sunog ay nahirapan silang makapasok dahil na rin masikip ang daan patungo sa bahay, subalit agad ring naapula ang apoy at idineklara itong fire out bandang 12:00 ng tanghali.
βIbinahagi rin ng BFP Cabatuan na sa kanilang initial investigation, lumalabas na short circuit ang dahilan ng sunog.
βSa naging panayam naman ng IFM News Team kay Richmond, sinabi nitong mabuti na lamang at walang tao sa kanilang bahay nang mangyari ang insidente kung kaya’t walang nasaktan sa kanyang pamilya.
βBukod dito, mabilis ding kumalat ang apoy dahil kugon lamang ang kanilang bubong na nilagyan ng yero. βDahil dito, wala silang naisalbang gamit bukod sa ilang damit at mga kaldero’t palayok.
βSa ngayon, pansamantala muna silang naninirahan sa kanilang ama.
βNagpaalala rin naman si Richmond sa publiko na laging suriin ang mga linya sa kanilang mga bahay upang maiwasan ang naturang insidente.
β
βSa mga nais magpaabot ng tulong, maaaring makipag-ugnayan sa 98.5 IFM Cauayan o personal na magtungo sa kanilang lugar.
————————————–
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website,Β www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan










