𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗔𝗡𝗦𝗣𝗢𝗥𝗧 𝗚𝗥𝗢𝗨𝗣 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗞𝗜𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗕𝗟𝗘𝗠𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗨𝗦𝗣𝗜𝗡𝗗𝗘 𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗩𝗠𝗣

Walang nakikitang problema ang One Pangasinan Transport Federation ukol sa gumugulong na rekomendasyon sa Senado na pagsususpendi ng PUV Modernization Program.

Sa panayam ng IFM Dagupan, kay Bernard Tuliao, presidente ng OPTF, suportado naman nila ang PUV Modernization Program na sa katunayan ay 100% sa kanilang grupo ay consolidated na.

Nilinaw nito na malaking tulong ang pagsuspinde sa mga nahihirapang magkaroon ng sariling unit.

Inihalimbawa ni Tuliao, ang nakikitang problema sa kakulangan ng subsidiya sa mga drivers at operators gayundin ang pagpaprayoridad ng mga units na gawa ng local manufacturers.

Matatandaan, noong 24 Hulyo ay pinirmahan ng 22 na senador ang suspensyon ng nasabing programa ngunit nito lamang 7 Hulyo, ay kinatigan ni PBBM na ituloy ang PUV Modernization Program. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments