𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗟𝗔 𝗨𝗡𝗜𝗢𝗡, 𝗣𝗔𝗡𝗦𝗔𝗠𝗔𝗡𝗧𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗣𝗔𝗣𝗔𝗦𝗔𝗥𝗔

Pansamantala munang ipapasara ang isang tulay sa lalawigan ng La Union, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH Region 1).

Ito ay upang bigyang daan ang mga kinakailangang pagsasaayos at pagpapalawak pa ng naturang tulay.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ang mga motorista sa posibleng maranasang traffic congestion partikular na sa bahagi ng Ambangonan Bridge 2 sa Pugo sa nasabing lalawigan.

Maaaring makaranas ng mabigat na daloy ng trapiko sa kahabaan ng Rosario-Pugo Road mula March 11 hanggang 12 dahil sisimulan na ang konstruksyon sa nasabing tulay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments