Nasa isa hanggang dalawang bagyo ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong buwan ng Mayo ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa kasalukuyan, wala pang namomonitor na low-pressure area at wala pa rin umanong inaasahan hanggang sa susunod na linggo ayon sa tanggapan.
Bagamat aasahan ang bagyong papasok sa PAR ay patuloy pa ring mararanasan ang mas matinding init bunsod pa rin ng El Niño at ang umiiral na dry season.
Sa lalawigan ng Pangasinan, nananatiling isa ang probinsya partikular na sa Dagupan City sa araw araw na nakapagtala ng may matataas na heat indices buong bansa.
Samantala, pinaalalahanan ang publiko na umantabay sa mga weather updates at advisories upang maging handa at alerto kaugnay nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨