𝗜𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗜𝗡𝗨𝗠𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗨𝗥𝗗𝗔𝗡𝗘𝗧𝗔 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗕𝗔𝗥𝗜𝗟𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗣𝗜𝗧 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬

Patay ang biktima na si Quintin Casio, residente ng Brgy. Bactad East, Urdaneta City matapos barilin ng kapitbahay nito habang nag iinuman kasama ang mga pinsan nito

Ayon sa imbestigasyon, habang nag iinuman sa likod ng bahay ng biktima bigla na lang lumabas ang kapitnahay nito na si John Lantano at naghahamon ng away hawak ang isang claw bar hanggang sa lumabas ang kapatid ng suspek na si Virgilio Lantano hawak ang caliber . 38 revolver at pinaputok sa mga nagiinuman.

Sugatan ang biktima matapos tamaan at lumusot ang bala sa ibaba ng collarbone at tumagos sa likod nito. Itinakbo sa Urdaneta City District Hospital ang biktima ngunit pumanaw habang sumasailalim sa panggagamot.

Naaresto ang suspek at narekober ang revolver na pagmamay-ari nito. Isinasagawa ang firearm verification sa armas ng suspek at inihahanda ang kaso na kinakaharap nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments