𝗜𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗢𝗣𝗡𝗢𝗧𝗖𝗛𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗡𝗨𝗥𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗖𝗘𝗡𝗦𝗨𝗥𝗘 𝗘𝗫𝗔𝗠𝗜𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Abot langit ang tuwa ni Trisha Nicole Oller matapos itong mapabilang sa mga Topnotcher sa Philippine Nurses Licensure Examination ngayong taon.

Sa inilabas na resulta ng Professional Regulation Commission, nakakuha ito ng 91.80 % average na napabilang sa Top 4.

First time taker si Trisha at proud Pangasinense mula San Fabian. Nagtapos bilang Magna Cumlaude ang dalaga sa Saint Louis University sa Baguio City.

Ayon kay Trisha, nagsikap at nagsunog talaga ito ng kilay bilang preparasyon sa naturang board exam.

Dagdag pa niya, umabot siya ng apat ng buwan sa paghahanda at halos 12 oras ito kung magreview sa isang buong araw.

Maagang regalo umano ang kaniyang tagumpay para sa Pasko.

Pinasalamat nito ang kanyang pamilya at kaibigan na pinang-hugutan niya ng lakas at suporta sa pagkamit ng kanyang pangarap na maging registered nurse.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments