Patuloy na umaantabay ang pamunuan ng Department of Trade and Industry (DTI) kaugnay sa isyung “shrinkflation” ng mga manufacturers lalo sa panahon ngayon kung saan nararanasan ang pagtaas sa presyo ng pangunahing mga bilihin.
Bagamat hindi bago ang shrinkflation o sa madaling sabi ay ang pagbabawas sa sukat o nilalaman ng produkto ngunit walang pagbabago sa presyo, ay tiniyak ng ahensya na magpapatuloy ang monitoring upang mabantayan ang mga produkto pagdating sa presyuhan nito maging masiguro na nararapat ang nilalalaman sa halagang ibabayad.
Ayon kay DTI Assistant Secretary Amanda Nograles, kailangang nakalagay sa pakete ang mga pagbabagong gagawin, partikular kung babawasan ang laman upang malaman ito ng mga mamimili.
Dagdag pa niya na maaaring magfile ng complaint o reklamo ang consumer kung napansing may pagbabago sa timbang ng produkto bagamat hindi ito nakasama sa buong product packaging.
Samantala, sa kaugnay na balita, inaasahan na magkakaroon ng price increase ang nasa 63 basic commodities kung maaprubahan na ang hirit na taas presyo ng product manufacturers. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨