𝗜𝗦𝗬𝗨 𝗨𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗜𝗡𝗜𝗥𝗘𝗞𝗟𝗔𝗠𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗢𝗟𝗘𝗛𝗜𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗢𝗔𝗚, 𝗜𝗔𝗔𝗣𝗘𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗚𝗢𝗩𝗘𝗥𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧

Nakarating na sa tanggapan ng lokal na pamahalaan ng Manaoag ang ukol sa mainit na usaping nagviral kamakailan sa social media kaugnay sa inirereklamong college institution sa naturang bayan.

Kasunod ito ng personal na paglapit ng mga estudyante sa nasabing kolehiyo sa tanggapan ni Mayor Jeremy Rosario upang ipahayag ang kanilang mga saloobin sa isyu ng Scholarship Program.

Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Manaoag Mayor Rosario, parehong panig ang pinakinggan, hinaing ng mga estudyante maging ang inireklamong kolehiyo sa bayan.

Ayon kay Rosario, parehong may punto ang dalawang panig kaya naman plano itong iapela sa nasyonal na gobyerno.

Samantala, tiniyak ng alkalde na bukas ang tanggapan ng lokal na pamahalaan sa anumang nais isangguni ng mga residente upang mapakinggan at hanapan ng solusyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments