𝗜𝗦𝗬𝗨 𝗨𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗨𝗧𝗢𝗟 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗨𝗡𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬𝗘𝗡 𝗖𝗔𝗣𝗜𝗧𝗢𝗟, 𝗕𝗜𝗡𝗜𝗚𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗡𝗔𝗪

Binigyang linaw ng Provincial government ng Pangasinan ang ukol sa isyu ng pagpuputol ng nasa animnapung puno sa Lingayen Capitol para sa itatayong Pangasinan Community Park.

Ayon sa panayam ng ifm news Dagupan kay Pangasinan Provincial PIO Chief, Dhobie De Guzman, dumaan sila sa tamang proseso at mga kinakailangan bago putulin ang mga puno para sa pagsasakatuparan ng pagpapatayo ng naturang proyekto.

Naglabas rin ng sertipikasyon ang DENR na nagpapatunay na walang anumang environmental threat ang isasagawang proyekto sa lugar at sa mga residenteng nakatira malapit sa konstruksyon nito.

Samantala, nagbigay din ng pahintulot ang National Historical Commission of the Philippines sa pamahalaang panlalawigan na ilipat ang mga historical facts noong World War II sa bahagi ng Veteran’s Park dahil isa rin ito sa maaapektuhan ng konstruksyon sa itatayong Pangasinan Community project. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments