Sunod-sunod na water interruption ang mararanasan ng ilang barangay sa Dagupan City dahil sa nagpapatuloy na rehabilitation sa bahagi ng M.H. Del Pilar Street at ang pag-uupgrade ng mga water pipes sa lungsod.
Ayon sa PAMANA Water District-Dagupan, kinakailangan nilang i-upgrade ang mga lumang water pipes upang maging maayos ang infrastructure nito.
Dahil dito, inaasahang maapektuhan ang pagsusuplay ng tubig sa kanilang mga consumers.
Ilan sa mga residente ng barangay sa lungsod ay nakakapuno na ng tubig sa balde at lalagyanan mula sa mga kabahayan na mayroong suplay ng tubig upang sa pagdating ng interruption ay mayroon silang gagamitin.
Samantala, paalala ng ahensya na makipag ugnayan sa opisyal ng barangay sakaling makaranas pa ng ibang problema ukol sa suplay ng tubig.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨