𝗝𝗔𝗜𝗟 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘𝗥, 𝗦𝗜𝗡𝗔𝗞𝗦𝗔𝗞 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗙𝗔𝗕𝗜𝗔𝗡

Sinaksak ang isang Jail Officer matapos nitong subukang umawat sa pagtatalo ng isang lalaki sa kaniyang bayaw sa Brgy. Tempra-Guilig, San Fabian, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si JO1 Monsour Quinto Macasieb, 36 anyos, kasalukuyang naka-assign sa Agoo, District Jail habang ang suspek naman ay kinilalang si Gerald Viduya Martinez, 23 anyos at residente ng Brgy. Tempra-Guilig, San Fabian.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, sinubukan ng biktima na pakalmahin ang suspek sa pakikipagtalo nito sa kaniyang bayaw ngunit namali ito ng pagkakaintindi.

Dahil dito, kumuha ng kutsilyo ang suspek at sinaksak ang biktima.

Nagtamo ng sugat sa kanang braso ang biktima. Nagpapatuloy ang pagtugis sa suspek matapos itong tumakas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments