𝗝𝗔𝗡𝗜𝗧𝗢𝗥, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗦𝗞𝗪𝗘𝗟𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Natagpuang wala ng buhay ang isang janitor sa isang eskwelahan sa Dagupan City.

Ayon sa inilabas na imbestigasyon ng kapulisan, bandang alas sais trenta ng umaga ng September 23, 2024, nang makita ng isa pang janitor ang bangkay ng biktima sa loob ng staff house ng paaralan na nakahandusay sa sahig.

Bandang alas otso trenta ng umaga nang dumating ang City Health Officer ng Dagupan City at idineklarang patay na ang biktima.

Sa inisyal na pagsusuri ng awtoridad, inatake sa puso ang biktima. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments