𝗝𝗢𝗕 𝗙𝗔𝗜𝗥 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗞𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

Nakatakdang isagawa sa Alaminos City ang isang job fair kung saan nasa higit tatlong libong trabaho ang bukas at pwedeng pasukan ng mga Pangasinenseng nagnanais magkatrabaho.

Ang aktibidad na ito ay naglalayon na makapagbigay ng trabaho sa mga Pangasinense sa loob man o sa labas ng bansa.

Nasa apatnapu’t anim na trabaho overseas at higit tatlong libong o 3,500 na trabaho sa loob ng bansa.

May mga one stop shop government services naman na ilalagay sa naturang job fair kung saan dinaluhan ng nasa pitong tanggapan ng gobyerno.

Nagbigay paalala naman ang PESO Alaminos City na dalhin lang lahat ng kakailanganin sa pag-aapply ng trabaho gaya ng ilang kopya ng resume at photo ID. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments