𝗞𝗔𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗔𝗞𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗥𝗜𝗔 𝗔𝗧 𝗙𝗜𝗟𝗔𝗥𝗜𝗔𝗦𝗜𝗦, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗜𝗜𝗚𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡

Ibinahagi ng Ilocos Center for Health Development 1 ang kaalaman ukol sa mga sakit na Malaria at Filariasis alinsunod sa Malaria and Filariasis Awareness Month nitong Nobyembre.

Ayon kay Dr. Allan Claveria, wala umanong kaso ng Malaria at kaunti lamang ang kaso ng Filariasis sa Region 1 ngunit hindi dapat maging kampante.

Aniya, para sa mga madalas na lumabas at magpunta sa ibang lugar, kailangang bantayan ang mga sarili sakaling makaranas ng sintomas ng mga sakit tulad ng lagnat at pananakit ng ulo.

Ang malaria ay isang sakit na dulot ng parasito ng malarya na tinatawag na Plasmodium habang ang Filariasis ay isang tropikal na sakit na mas kilala sa tawag na “Elephantiasis”. Ito ay dala ng isang uri ng roundworms at naipapasa sa tao sa pamamagitan ng kagat ng lamok.

Samantala, patuloy pa ang awareness campaign ng Department of Health upang makamit ang isang Malaria Free Philippines sa taong 2030.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments