𝗞𝗔𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗔𝗕𝗨𝗟𝗨𝗚, 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗟𝗨𝗕𝗢𝗚 𝗣𝗔 𝗥𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗛𝗔

Cauayan City – Lubog pa rin sa baha ang maraming kabahayan sa bayan ng Abulug, Cagayan, matapos ang pananalasa ng bagyong “Marce” sa buong Lalawigan.

Kasunod ng naranasang malalakas na hangin at pag-ulan na nag resulta sa pagkasira ng maraming tahanan, imprastraktura, at ari-arian, ay ang pag-apaw ng tubig baha dahilan upang lumubog ang mga bahay sa Brgy. Banguian at mga karatig barangay.

Ang mabilis na pagtaas ng tubig sa lugar ay bunsod ng pagtaas ng antas ng tubig sa Dacao Dam sa bayan ng Flora, Apayao na siya namang bumaba at dumaloy sa Abulug River.


Samantala, sa pinakahuling ulat patuloy rin ang pagtaas ng tubig sa iba pang lugar sa bayan ng Buguey kaya naman puspusan ang paghahanda ng mga residente upang lumikas sa mataas na lugar.

Facebook Comments