𝗞𝗔𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗔𝗢, 𝗡𝗔𝗦𝗜𝗥𝗔 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗥𝗜𝗦𝗧𝗜𝗡𝗘

Umabot sa labing anim na kabahayan sa bayan ng Calasiao ang nasira dahil sa bagyong Kristine.

Mula ang mga ito sa barangay ng Gabon na may labing-isang partially at isang totally damaged, habang mula sa Brgy. Doyong ang apat na partially damaged houses.

Nagpapatuloy pa ang balidasyon kaugnay sa mga posible pang dumagdag na bilang sa mga apektadong residente.

Samantala, sa ngayon, isa pa sa higit tinututukan ng tanggapan ay ang pagbabantay sa water level ng Marusay River na kasalukuyang nasa 6.5 ft above normal level. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments