Inilunsad ang Kabalikat sa Kabuhayan on Sustainable Agriculture sa SM Center Dagupan kahapon na naglalayong magbigay ng kaalaman sa pagtatanim at magbigay ng kabuhayan sa mga napiling benepisyaryo.
Nasa 100 benepisyaryo mula sa apat na barangay sa probinsiya ang kanilang napili upang sumailalim sa tatlong buwang pagsasanay sa pagsasaka.
Ayon kay Ms. Chao Chua, Assistant Mall Manager ng SM Supermalls Pangasinan, ang naturang programa ay naglalayong mawakasan ang kahirapan at kagutuman sa bansa.
Base kasi sa datos ng Food and Agriculture Office noong 2023, 44.7% ang nakararanas ng moderate o severe food insecurity.
Katuwang ang ilang government agencies sa naturang programa tulad ng DA, DSWD, DTI, DOLE, TESDA, at ng DOST.
Taong 2017 nang magsimula ang programa kung saan aabot na sa 30,000 indibidwal ang nakapagtapos. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨