𝗞𝗔𝗕𝗨𝗨𝗔𝗡𝗚 𝟭𝟳.𝟴 𝗠𝗜𝗟𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗜𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡, 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗕𝗔𝗧 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢 𝟭 𝗡𝗢𝗢𝗡𝗚 𝟮𝟬𝟮𝟯

Nakapagtala ng kabuuang 17.8 Milyong halaga ng mga ilegal na droga ang nasabat sa buong rehiyon uno ng PRO 1 sa nakalipas na taong 2023.

Sa 847 ikinasang operasyon, nakumpiska rito ang mahigut labimpitong milyong halaga ng shabu, higit dalawandaang libo naman ang marijuana, at higit limang libo naman ang marijuana kush.

Sa datos ng PRO-1, ang higit labimpitong milyong halagang nakulimbat ay katumbas ng 2,600 gramo ng shabu, 2,020 gramo ng marijuana at, 3,600 gramo naman ng marijuana kush.

Samantala, matandaan na nilalayon at patuloy ang pagsisikap ng Phillipine Drug Enforcement Agency (PDEA) na maging drug-free ang lalawigan ng Pangasinan, ngayong 2024.

Gayunpaman, inihayag naman ng PRO-1 na bahagyang bumaba ng 13% ang naitalang crime rate sa rehiyon sa nagdaang taon kumpara sa taong 2022. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments