Kaisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa pagsusulong ng Kadiwa ng Pangulo ng Department of Agriculture (DA) na may layong mabigyan ang mga konsyumer ng pagkakataong makabili ng mga de-kalidad ngunit abot-kayang mga produkto.
Alinsunod dito ang patuloy na pag-arangkada ng Kadiwa na Kapitolyo kung saan nito lamang ay muling nakibahagi ang ilang mga local MSMEs (Micro, Small, and Medium Enterprises) sa nasabing aktibidad.
Hatid ng dalawampu’t-siyam (29) na mga exhibitors ang kani-kanilang bentang produkto mula sa pinagmulang mga munisipalidad sa Pangasinan.
Ayon sa tala ng Provincial Agriculture Office, umabot sa halos apat na milyon ng halaga ng kabuuang sales mula sa pang labing pitong pag-arangkada ng Kadiwa Na Kapitolyo simula January 12 hanggang nito lamang May 17 kung saan nasilbihan nito ang halos sampung libong mga mamimili.
Samantala, saklaw pa ng layunin nito ang makatulong sa mga local MSMEs sa pamamagitan ng direktang transaksyon sa pagitan ng mga prodyuser at consumer. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨