Muling aarangkada ang Kadiwa na Kapitolyo sa bayan ng Lingayen simula ngayong araw August 12, at sa darating na August 27, ngayong taon.
Hatid nito ang iba’t-ibang mga produkto na mula sa mga local MSMEs, mangingisda at magsasaka sa lalawigan tulad ng bigas, gulay, prutas, dried fish at iba pang mga paninda.
Alinsunod ang naturang aktibidad sa Kadiwa ng Pangulo ng Department of Agriculture na may layong makatulong sa mga maliliit na negosyante at sa mga konsyumer na makabili ng mga produktong nasa abot kayang halaga.
Ngayong taon umabot na sa higit limang milyon ang kita ng naturang programa.
Samantala, hiling ngayon ng ilang Pangasinense na sana umano ay magkaroon ng Kadiwa sa iba’t-ibang mga bayan at lungsod sa probinsya upang mapakinabangan din nila ang mga ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨