Muling umarangkada at nagpapatuloy ang pag-arangkada ng Kadiwa ng Pangulo Farmers’ Day Caravan sa lungsod ng Dagupan.
Tampok dito ang iba’t-ibang uri ng mga produktong ipinagmamalaki ng mga bayan at lungsod sa lalawigan ng Pangasinan tulad na lamang ng mga produktong bigas, isda, gulay, prutas, gayundin ang mga tsokolate, cacao, iba’t-ibang uri ng chips, dried fish, itlog maging mga bangus products.
Hatid nito ang mas mura at sariwang mga produkto dahil sa sisteng direct farm-to-market consumer trade mula sa mga mga lokal na mangingisda, magsasaka, at MSMEs
Samantala, layon pa rin nitong matulungan ang mga magsasaka at mangingisda sa kanilang hanapbuhay at alinsunod na rin sa adhikain ng Pangulo na makamit at mapanatili ang food sustainability. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨