𝗞𝗔𝗗𝗜𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗨𝗟𝗢 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠, 𝗨𝗠𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡

Umarangkada ang Kadiwa ng Pangulo Program sa lungsod ng Dagupan na isinagawa sa isang mall.

Dito ay ibinida ng mga micro small and medium-sized enterprises (MSMEs) sa lungsod at karatig bayan ang kanilang mga lokal na produkto.

Layunin ng programa na mabigyan ng suporta ang mga maliliit na negosyante sa lalawigan ng Pangasinan at mapataas ang kita ng mga magsasaka.

Hinikayat naman ng lokal na pamahalaan ng Dagupan na tangkilikin ang mga lokal na produkto na gawa ng mga MSMEs, magsasaka, at mangingisda bilang pagsuporta sa agrikultura ng bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments